Nagpatupad ng lockdown ang Lamitan City sa Basilan kung saan ipinagbawal ang pagbiyahe ng mga baboy at mga produktong mula rito matapos makumpirma ang mga kaso ng African swine fever (ASF) sa ilang barangay.
Ayon kay Basilan Provincial Veterinarian Sharmaine Tutuh, nasa 113 hog raisers ang apektado ng ASF, habang hindi bababa sa 284 baboy ang naiulat na namatay.
Patuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sakit, habang hinikayat ang mga nag-aalaga ng baboy na bantayang mabuti ang kanilang mga alaga at agad iulat sa mga beterinaryo kung may nagkasakit o namatay na baboy.
📸: PNA




