"ANO BA TALAGA ANG NAAALALA NINYO?"
Kinuwestiyon ni Senator-judge Imee Marcos ang umano'y magkakaibang pahayag ni dating LandBank Branch Manager Violeta Constantino kaugnay ng pag-encash ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Sa pagdinig ng impeachment trial ngayong Miyerkules, Hulyo 29, tinanong ni Marcos si Constantino kung sino ang aktuwal na naglagay ng perang na-encash sa bag ng special disbursing officer ng OVP.
Iginiit ng senadora na nagkakaiba ang mga naunang pahayag ng testigo, dahilan upang tanungin niya kung ano talaga ang naaalala nito.
TUTUKAN ANG LIVESTREAM NG NET25: https://www.youtube.com/live/nByxVobTaqU




