Pinagsusumite ng Office of the Ombudsman ng counter-affidavit si dating House Speaker Martin Romualdez at iba pang mga respondent kaugnay ng mga reklamong plunder, direct bribery, graft, corruption, at money laundering.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, binigyan ang mga respondent ng 15 na araw upang tugunan ang mga alegasyon kaugnay ng umano'y ₱56 bilyong ill-gotten wealth na naipon mula 2022 hanggang 2025, kabilang ang umano'y mga kickback sa flood control projects.
Kasunod ito ng anunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa paghahain ng Ombudsman ng mga kaso laban kay Rep. Romualdez.


