Inaasahan ng Department of Energy (DOE) na matatanggal ang systems loss charge sa bill ng kuryente bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2027.
Sinabi ni DOE Secretary Sharon Garin na makikipag-ugnayan sila sa Energy Regulatory Commission (ERC) at National Electrification Administration (NEA) upang mapabilis ang pagpapatupad nito, kabilang ang pagsusuri sa mahigit 100 electric cooperatives at private distribution utilities.
Dagdag ni Garin, kapag naipatupad ito, inaasahang bababa ang bill sa kuryente ng 5% hanggang 10%, depende sa distribution utility.




