Sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang mga insidente ng karahasan sa mga paaralan ay repleksiyon umano ng mahinang liderato sa bansa.
Sa panayam sa The Hague matapos dalawin ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), iginiit ng bise presidente na nawawala ang respeto ng mga tao kapag wala silang nakikitang liderato mula sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan, dahilan upang magkaniya-kaniya umano ang mga mamamayan.
Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento si VP Sara kaugnay sa Pax Silica, isang US-led initiative para sa artificial intelligence at semiconductor industry kung saan kabilang ang Pilipinas sa mga lumagda.
📸: Office of the Vice President



