Tinawag ni Vice President Sara Duterte na isang "PR stunt" ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang SONA kaugnay ng kampanya laban sa katiwalian sa flood control projects.
Ayon kay VP Sara, wala pa umanong nakukulong sa mga sinasabing sangkot sa isyu. Iginiit din niya na hindi maaaring ihiwalay ng Pangulo ang kaniyang sarili sa ghost at substandard projects dahil siya ang lumagda sa pambansang budget.
Sinabi rin ng bise presidente na ang paglagda sa budget na may mga insertion ay maaari umanong maging batayan ng isang impeachable offense.
Duda rin ang bise sa pangako ni Pangulong Marcos Jr. na masasampahan na ng mga kaso si Rep. Martin Romualdez.


