Kinumpirma ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms na isang media network ang nanakawan ng mga gamit sa parking area ng Senado, ngayong Hulyo 29.
Ayon kay Ret.Major Gen. Alfred Corpus, kasama sa mga natangay na gamit ay TV monitor, dalawang printer, mga working table, at mga cable wire na pag-aari ng Congress TV.
Posible raw na ginawa ang krimen sa kasagsagan ng buhos ng ulan kaninang madaling araw. Dumaan daw ang mga suspek sa metal fence sa pagitan ng GSIS at Senado.
May mga persons of interest na ang pulisya sa nangyaring pagnanakaw sa compound ng Senado. | via Mar Gabriel

