Magkakaroon ng pagtaas ng singil sa pamasahe sa eroplano sa Agosto kasunod ng pagtaas ng fuel surcharge, ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB).
Itinaas ang fuel surcharge sa Level 13 mula sa dating Level 8. Ito ay katumbas ng P423 hanggang P1,237 sa fuel surcharges para sa domestic flights at mula P1,396.74 hanggang P10,385.42 naman para sa mga international flight.
Ayon sa ahensya, ang pagtaas nito ay dulot ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.


