"JUST BECAUSE IT'S UNUSUAL, DOESN'T MEAN IT'S ILLEGAL"
Iginiit ni Senator-judge Alan Peter Cayetano na hindi nangangahulugang ilegal ang naging pag-encash ng Office of the Vice President (OVP) sa ₱125 milyong confidential funds, kahit pa aniya ay maituturing itong "unusual."
Sa pagdinig ng impeachment trial ngayong Miyerkules, Hulyo 29, sinabi ni Cayetano na ang kabuuang ₱500 milyong confidential funds na inilabas sa pamamagitan ng apat na tseke ay maaaring hindi karaniwan, ngunit hindi ito awtomatikong paglabag sa batas.
Binanggit ng senador ang kaniyang karanasan bilang dating Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), kung saan aniya ay may mga pagkakataon ding may kahalintulad na proseso sa pag-encash ng pondo, depende sa pangangailangan at umiiral na mga patakaran.
Idiniin niya na ang pagiging kakaiba ng isang transaksyon ay hindi sapat na batayan upang agad itong ituring na ilegal.
TUTUKAN ANG LIVESTREAM NG NET25: https://www.youtube.com/live/nByxVobTaqU


