GURO SA DAVAO DE ORO, BINUGBOG NG DALAWANG ESTUDYANTE.
Pinagkaisahang gulpihin ng dalawang estudyante ang isang guro sa Maco, Davao de Oro matapos itong umawat sa gulo at sitahin ang kapatid ng mga sangkot dahil sa pagsusuot umano ng hikaw.
Ayon sa mga nakasaksi, bumaba ang guro upang awatin ang nag-aaway na mga mag-aaral. Ngunit, nauwi ito sa pananakit sa guro.
Nagtamo ng mga pasa ang guro. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. | via Ely Dumaboc
📽️: Scar Lett


