Pinagtulungan umano ng dalawang estudyante na bugbugin ang isang lalaking guro sa Maco, Davao de Oro.
Ayon sa Maco Municipal Police, pinagsabihan umano ng guro ang isang lalaking estudyante na may suot na hikaw na ipinagbabawal sa kanilang paaralan. Nagalit umano ang estudyante at akmang susuntukin ang guro ngunit naawat ng iba pang mga mag-aaral.
Nabigla ang guro nang may sumuntok sa kaniya mula sa likod. Napag-alamang isa rin itong estudyante ng paaralan at kapatid ng pinagalitang estudyante. Dito na umano nagtulungan ang dalawa at binugbog ang guro.
📷: Contributed photo



