Sinampahan ng kasong murder ang kapitan at dalawang crew member ng pampasaherong ferry na lumubog sa Guyana, South America noong Hulyo 18, na ikinasawi ng 73 katao, habang 30 iba pa ang nananatiling nawawala.
Lumabas sa imbestigasyon na ang MV Barima ay may sakay na 179 katao nang lumubog ito habang bumibiyahe mula Georgetown patungong Port Kaituma. Ayon sa mga awtoridad, 76 lamang ang nailigtas.
Batay sa paunang ulat, nagpositibo sa marijuana ang kapitan at dalawa pang tripulante. Napag-alaman din na maraming pasahero ang hindi nakalista sa passenger manifest.
Patuloy ang malawakang imbestigasyon ng pamahalaan sa insidente, habang nagsagawa rin ng commission of inquiry ang gobyerno ng Guyana.
📷: Reuters



