Sumiklab ang malaking sunog sa isang mock town na ginagamit bilang movie set sa Tver Region, Russia matapos umanong magsimula ang insidente dahil sa hindi ligtas na paggamit ng mga paputok.
Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa mga istrukturang bahagi ng filming location. Nabalot din ng maitim at makapal na usok ang lugar.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero upang apulahin ang sunog. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.
📹: RT News


