PORSCHE, NAGING MOVING BILLBOARD NG MGA NAWAWALANG BATA.
Ginawang mobile billboard ng 27-anyos na si Du Lin ang kaniyang Porsche 718 sa Kunming, China sa pamamagitan ng pagdidikit ng flyers ng 90 nawawalang bata.

Si Du Lin mismo ang nagdisenyo ng car wrap gamit ang impormasyon mula sa volunteer charity website na Baby Come Home. Dahil sa kampanya, isang nawawalang bata na ang naiulat na muling nakasama ang kaniyang pamilya, ayon sa mga awtoridad.
Sinimulan niya ang kakaibang kampanya nitong Agosto at nag-viral sa social media ngayong Setyembre.
📸: RT News



