BABAENG RIDER, NA-HIT-AND-RUN, TUMILAPON.
Nasangkot sa hit-and-run ang isang babaeng rider matapos umano siyang habulin ng apat na lalaki na sakay ng kotse sa Golf Course Road, Gurugram, India nitong Linggo, Setyembre 13.
Batay sa helmet-cam footage, sinundan umano ng puting sedan ang biker bago siya mabangga at tumilapon mula sa motorsiklo. Umamin ang driver na sangkot sa insidente ngunit itinangging sinadya ang pagbangga.
Nagsampa na ng kaso ang pulisya, kabilang ang harassment, attempted murder, at hit-and-run. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
📽️: RT News
