LALAKING LASING, DINALA ANG MGA ANAK SA SWAMP NG MGA BUWAYA.
Arestado ang isang 27-anyos na lalaki matapos umanong imaneho ang kaniyang sasakyan sa road closure sa Lakeland, Florida. Iniwan niya ang sasakyan bago tumakas papunta sa madilim na swamp sa lugar na may mga buwaya, habang kasama ang kaniyang 2-anyos at 10-buwang gulang na mga anak.
Base sa police drone footage, ilang beses nahulog sa tubig ang lalaki at nabitawan ang dalawang bata. Iniwan niya kalaunan ang 2-anyos sa mga halaman at nagpatuloy sa pagtakas habang buhat ang sanggol.
Nasagip ng mga pulis ang dalawang bata at dinala sa ospital. Inamin naman umano ng lalaki na nakainom siya. Suspendido ang kaniyang lisensya at nahaharap ngayon sa 11 kaso, kabilang ang tatlong felony at dalawang counts ng negligent child abuse with great bodily harm.
📽️: RT News
