Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit nang ikabit ang isang undersea power cable na mag-uugnay sa Pilipinas at Malaysia, partikular sa Sabah at Mindanao.
Ayon kay Marcos, ito ang kauna-unahang proyektong undersea cable sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sinabi naman ng Department of Energy na sa pamamagitan ng pinahusay na memorandum of understanding sa ASEAN Power Grid (APG), magkakaroon ng pagkakataon ang Pilipinas na kumuha ng supply ng kuryente mula sa mga karatig-bansa sa Southeast Asia.
Nilagdaan ang kasunduan noong Linggo, Nobyembre 15, habang host ang Pilipinas sa 49th ASEAN Summit.
📷: PNA



