Lumubog ang isang liquefied petroleum gas (LPG) tanker sa baybayin ng Bulgaria sa Black Sea nitong Martes, Nobyembre 17, ilang dosenang milya lamang mula sa lugar kung saan lumubog ang isa pang barko matapos atakihin ng drone.
Nagpadala ng distress signal ang Liberian-flagged vessel na Gas Husky bago ito tuluyang lumubog, may layong humigit-kumulang 50 milya silangan ng Byala.
Ayon sa Transport Ministry ng Bulgaria, ligtas na nailikas ang lahat ng 19 na tripulante mula sa life raft at dinala sa isang air base sa Varna. May kargang 3,400 metriko tonelada ng liquefied petroleum gas ang tanker nang lumubog ito.
📷: Reuters



