"KUNG KAYANG MAMINTAS, DAPAT MARUNONG DING KUMILOS."
Ito ang tugon ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa mga naging pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mabagal umano ang pagkilos ng administrasyon kaugnay ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Castro, dapat umanong kumilos rin ang may mga kakayahang tumulong at hindi pamimintas ang unahin.


