Nahuli sa isinagawang manhunt operation ang gunman na bumaril sa ulo ng isang traffic enforcer sa Congressional Road, Barangay Burol 1, Dasmariñas City, Cavite matapos itong sitahin dahil sa paglabag sa batas-trapiko.
Narekober sa suspek ang umano’y ginamit na baril at hinihinalang shabu.
Nahaharap ang gunman sa kasong murder, paglabag sa COMELEC Gun Ban, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
📹: Jim Tejano via Cavite PPO



