Bumigay ang isang bahagi ng dike sa Bucao River, Botolan, Zambales dahil sa pagtaas ng tubig sa kasagsagan ng malalakas na pag-ulan simula nitong weekend.
Sa kabila ng pagsusumikap ng mga awtoridad na isara ang butas sa dike, bigo umano sila dahil nagbabagsakan lamang ang mga inilalagay nilang pantapal.
Kung hindi agad maaayos ang dike, posibleng bahain ang mga residente sa lugar.
📹: Francis Apoyan


