Nakagitna ang revetment wall na ito sa Tullahan River sa North Fairview High School, Quezon City noong nakaraang taon nang huling bumisita ang NET25 News matapos mapabalita ang pagkasira ng dike dahil sa bagyo.
May istruktura na sa gitna ng ilog, pero pinangangambahan ng ilan na tila mas pasisikipin nito ang ilog, na madalas umaapaw kapag may bagyo.
Ayon sa QC LGU at Barangay North Fairview, proyekto ito ng DPWH.
Sinusubukan pa ng NET25 News and Information na makuha ang pahayag ng DPWH hinggil sa proyekto.
📹: TJay Mendoza

