Umakyat na sa 19 ang naiulat na nasawi dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng nagdaang Bagyong Luis at Maymay, pati na ng pinakahuling habagat o southwest monsoon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kabilang sa mga nasawi ang 12 katao dahil sa mga landslide sa Baguio, La Trinidad at Atok sa Benguet. Apat naman ang nasawi sa Rizal, habang tatlo sa Batangas dahil sa landslide, pagkalunod, pagkakuryente at pagbagsak ng puno.
Naitala rin ang 15 sugatan at apat na nawawala, habang nasa 2.2 milyong indibidwal ang naapektuhan ng malalakas na ulan.
📷: Baguio CIOa


