Hinaing ng isang grupo na kusang-loob na naglilinis ng kanal at estero sa Tanza, Cavite matapos ang walang tigil na pag-ulan bunsod ng habagat.
Masama umano ang kanilang loob sa gobyerno dahil hindi raw maayos ang pagpapatupad ng flood control projects, na sinasabing nakatutulong sana upang maiwasan ang matinding pagbaha sa bansa.
“Alam nating mga Pilipino may budget tayo eh, pero bakit nangyayari ito?” dagdag ng isang residente.
📹: Jude Evangelista


