As of 5:00 a.m. ngayong Martes, Agosto 11, umakyat na sa 80.20 metro ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam, ayon sa PAGASA.
Mas mataas ito sa 80.15-meter spilling level ng dam.
Patuloy na pinapaalalahanan ng state weather bureau ang mga residente sa mababang lugar sa Quezon City, Caloocan City, Malabon, at Navotas na mag-ingat dahil maaari itong magdulot ng pagbaha.
📷: PAGASA


