Nasawi ang isang traffic enforcer matapos barilin sa ulo ng isang lalaki sa Congressional Road, Barangay Burol 1, Dasmariñas City, Cavite.
Sa imbestigasyon, lumabas na sinita ng biktima ang suspek matapos makitaan ng paglabag sa batas-trapiko.
Sa CCTV, makikita na nang tumalikod ang biktima ay doon ito binaril bago mabilis na tumakas ang suspek. Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara nang patay.
Naaresto naman ang suspek sa isinagawang manhunt operation. Narekober sa kaniya ang umano’y ginamit na baril at hinihinalang shabu.
Nahaharap ang lalaki sa kasong murder, paglabag sa COMELEC Gun Ban, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
📹: Jim Tejano via Cavite PPO
