Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline ng tax filing at pagbabayad ng buwis hanggang Agosto 17 para sa mga taxpayer na nasa mga lugar na naapektuhan ng malalakas na ulan dulot ng habagat.
Sakop nito ang tax filing, bayad, remittance, at registration na nakatakda mula Agosto 10 hanggang Agosto 16 mula sa 53 BIR offices at units, kabilang ang 53 Revenue District Offices sa bansa.
Ayon sa BIR, layon nitong mabigyang-pansin ng mga taxpayer ang kanilang kaligtasan at makapag-comply sa kanilang mga obligasyon sa buwis nang walang pangamba sa multa.
📸: BIR


