Umabot sa 6,512,872 mag-aaral at 284,725 teaching personnel ang naapektuhan ng habagat dahil sa patuloy na suspensyon ng face-to-face classes sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa Department of Education (DepEd).
Sa pinakahuling datos ng ahensya, 9,890 na pampublikong paaralan sa walong rehiyon ang suspendido ang klase.
Pinakamarami rito sa Central Luzon na may 3,569 paaralan, kasunod ang Ilocos Region na may 1,791 at MIMAROPA na may 1,278. Nasa 776 paaralan naman sa National Capital Region, 696 sa Cordillera Administrative Region (CAR), 415 sa Western Visayas, at 220 sa Central Visayas ang apektado.
📸: PNA


