Ibinasura ng Department of Justice ang kasong inciting to sedition laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa DOJ, walang nakitang sapat na prima facie evidence ang panel of prosecutor’s para maisulong ang kaso.
Samantala, naisampa naman sa Quezon City Regional Trial Court ang hiwalay na reklamong grave threats laban sa bise presidente. Iginiit ng DOJ na magkaiba at hiwalay ang criminal proceeding at impeachment trial ni VP Duterte sa Senado. | via Earlo Bringas


