LALAKI NAHULOG SA DAM SA PAMPANGA.
Nalaglag ang isang lalaki sa San Pedro, Santa Monica Dam sa Floridablanca, Pampanga habang malakas ang agos ng tubig sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa insidente at matagumpay na nasagip ang biktima mula sa dam.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang buong detalye at dahilan ng pagkahulog ng lalaki. | via Nica Guevarra
📽️: Opisina Ning Talasuyu Michael Lugtu Galang


