As of 4:30 p.m. ngayong Lunes, Agosto 17, nakararanas ng platform passenger buildup ang Ortigas, Boni, Guadalupe, Buendia, Ayala, Magallanes, at Taft Avenue Stations ng MRT-3.
Â
Ayon sa DOTr-MRT-3, ipinatutupad ang crowd management measures upang matiyak ang kaligtasan at maayos na paggalaw ng mga pasahero.
Â
Maingat din umanong minamanage ang train deployment para mapahusay ang serbisyo. Sa ngayon, 17 tren ang bumibiyahe sa mainline.
Â
Pinapayuhan ang mga pasahero na mag-ingat at makipagtulungan sa mga awtoridad habang bumibiyahe.
Â
đź“·: DOTr-MRT-3

