Nanawagan ang ilang grupo ng mga guro sa pamahalaan na palakasin ang seguridad sa mga paaralan at palawakin ang mga programa para sa mental health ng mga estudyante at guro kasunod ng mga kamakailang insidente ng karahasan sa paaralan.
Ayon sa Teachers' Dignity Coalition (TDC), kailangan ding pagbutihin ang paghahanda sa mga emergency at tiyaking handa ang mga paaralan sa anumang banta.
Hiniling din ng grupo na dagdagan ang mga school counselor dahil kulang pa ang kasalukuyang bilang para sa mahigit 45,000 pampublikong paaralan sa bansa.
Nais din ng TDC ang agarang pagpapatupad ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act upang higit na mapangalagaan ang mental health at kapakanan ng mga mag-aaral.
📸: PIA


