Inanunsiyo ni U.S. President Donald Trump na magsisimula ngayong Lunes, Agosto 3, ang pag-uusap ng Estados Unidos at Iran kaugnay ng muling pagbubukas ng Strait of Hormuz at pagresolba sa usapin tungkol sa nuclear program ng Iran.
Gayunman, hindi pa tinukoy ni Trump kung magkakaroon ng deadline para sa posibleng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.
Samantala, nananatiling limitado ang pagdaan ng mga commercial ship sa naturang ruta dahil sa tensyon sa rehiyon, na nakaapekto sa supply ng langis at nagdulot ng pagtaas ng presyo ng enerhiya sa pandaigdigang merkado.
📸: Reuters


