PULIS, NEGOSYANTE, NASAKOTE SA PAG-SMUGGLE NG SIGARILYO.
Arestado ang isang pulis at negosyante matapos masabat sa border control point ng PNP sa Kalawit, Zamboanga del Norte ang mahigit ₱1.8 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo.

Ayon sa pulisya, tinangkang tumakas ng mga suspek nang parahin ang kanilang van, ngunit agad silang naharang ng mga operatiba.

Nasamsam sa kanila ang 1,630 ream ng imported na kontrabandong sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱1,867,980, ayon sa Bureau of Customs (BOC), gayundin ang isang 9mm Taurus G3 pistol na may mga bala.
Dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang mga kaso. | via Ely Dumaboc
📸: Cristi Basadre


