MURDER CASE NG SIKAT NA VLOGGER, SOLVED NA!
Itinuturing na ng Philippine National Police (PNP) na resolba na ang kaso ng pananambang at pagpatay sa vlogger na si Alicia "Mima Alicia" Lipata matapos matukoy ang mastermind ng krimen, motibo nito, at maaresto ang gunman at middleman na sangkot.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nahuli na sana ang lahat ng suspek kung hindi nagkaroon ng pag-leak ng impormasyon sa media.

Kinilala naman ng Northern Police District (NPD) na nasampahan na ng kasong murder ang umano'y gunman, ang driver ng getaway vehicle, at ang middleman na sumuko sa mga awtoridad sa Mabalacat, Pampanga.
Patuloy naman ang manhunt operations laban sa hinihinalang mastermind at dalawa pang suspek. | via Vic Somintac
📸: Philippine National Police


