Itutuloy sa Martes, Agosto 4 (Manila time) ang women's singles final ng Mubadala DC Open tampok sina Alex Eala at Jessica Pegula matapos ipagpaliban dahil sa masamang panahon.
Matatandaang nakuha ni Pegula ang unang set sa 6-4 ngunit nanguna si Pinay tennis superstar sa ikalawang set, 2-1, bago ipatigil ang laban dahil sa ulan.
📸: Mubadala Open


