BABAE, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA ANTIPOLO.
Arestado ang isang 34-anyos na babae na itinuturing na high-value individual (HVI) matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation sa Taktak Road, Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Nasamsam sa suspek ang tinatayang 55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱374,000, kabilang ang iba pang ebidensiyang ginamit sa operasyon.


Nakadetine na ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Jim Tejano
📸: Einna


