Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na isauli ang ₱9.5 bilyon sa mga customer bilang refund sa sobrang nakolektang singil noong 2025.
Ayon sa ERC, makatatanggap ang mga residential customer ng refund na humigit-kumulang ₱0.59 kada kilowatt-hour (kWh), habang ang karaniwang refund ay nasa ₱0.34 kada kWh.
Magsisimula itong ipatupad sa susunod na billing cycle at makikita bilang hiwalay na item sa bill na may label na "AWAT (Refund)/Collect."
Sinabi naman ng Meralco na susunod ito sa utos ng ERC at ipatutupad ang refund sa loob ng anim na buwan.
📸: PNA


