INA AT SANGGOL, PATAY SA SUNOG.
Nasawi ang limang katao, kabilang ang isang ina at kaniyang 11-buwang gulang na sanggol, sa sunog na sumiklab sa isang dalawang palapag na apartment sa Sinilyasi Street, Barangay 8, Caloocan City, nitong madaling araw ng Linggo, Agosto 2.
Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang apoy sa ground floor ng gusali at tuluyang naapula bandang 2:04 ng madaling araw. Isang bahay ang nasunog habang anim na pamilya o 15 indibidwal ang naapektuhan, dagdag sa ulat ng mga awtoridad.
Tinatayang umabot sa halos ₱500,000 ang halaga ng pinsala. Patuloy pa ang iniimbestigasyon sa sanhi ng sunog. | via Jim Tejano
📽️: Contributed

