LABOR GROUP, NAGHAIN NG MOTION PARA MAKALAHOK SA KASO VS. WAGE ORDER.
Kinumpirma ng Labor Coalition na naghain sila sa Pasig Regional Trial Court ng Urgent Motion for Intervention upang makalahok sa kasong kumukuwestiyon sa wage order. Gayunman, sinabi nilang kailangan pa umanong pagdesisyunan ng korte ang kanilang mosyon sa loob ng hindi bababa sa limang araw.
Samantala, iginiit ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ito ang kauna-unahang pagkakataon mula 1989 na may dalawang employer na dumulog sa korte upang kuwestiyunin ang isang wage order.
Ayon sa TUCP, malinaw sa Labor Code na ang sinumang may pagtutol sa wage order ay dapat munang mag-apela sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), at hindi agad dumulog sa korte. Idinagdag pa ng grupo na hindi rin dapat maglabas ng injunction o temporary restraining order laban sa proseso ng Regional Wage Board. | via Earlo Bringas

