Nagsilikas ang mga empleyado ng Quezon Provincial Government Office sa kapitolyo matapos maramdaman ang aftershocks ng magnitude 5.4 na lindol na tumama sa Mamburao, Occidental Mindoro ngayong Biyernes, Agosto 7.
Suspendido na rin ang pasok ng mga empleyado ng kapitolyo ngayong araw habang patuloy na isinasagawa ang assessment sa kanilang tanggapan. | via Martin Banaag
📽️: Quezon PIO


