Iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na mananatiling suspendido ang dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan sa kabila ng mga petisyon para sa fare hike.
Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez, hindi dapat ipasa sa mga pasahero ang dagdag na pasanin habang mataas ang presyo ng langis at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Gayunpaman, magpapatuloy ang pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng mga petisyon ng mga transport group para sa dagdag-pasahe.



