TINANGAY ANG BARIL NG NATUTULOG NA GWARDIYA.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya matapos tangayin ng isang lalaki ang service firearm ng natutulog na security guard sa kahabaan ng Abad Santos Avenue sa Tondo, Manila.
Makikita sa CCTV footage ang suspek na palihim na lumapit sa biktima, sumalisi, at tinangay ang service firearm bago mabilis na tumakas.
Hinabol pa ito ng gwardiya ngunit napilitang huminto dahil sa pangambang magamit laban sa kaniya ang ninakaw na baril.
Posibleng kasong theft ang kahaharapin ng suspek, habang nagpapatuloy ang pagtugis upang mabawi ang service firearm at maiwasang magamit ito sa anumang krimen. | via Jim Tejano
📽️: MPD-PS 7


