Nag-recant o binawi ng apat na dating bodyguard umano ni former Rep. Zaldy Co ang kanilang mga naunang affidavit laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dating House Speaker Martin Romualdez, Zaldy Co, at iba pang personalidad.
Ayon sa kanila, walang katotohanan ang kanilang mga naunang alegasyon kaugnay ng umano'y paghahatid ng mga maleta ng pera at pumirma lamang sila noon sa joint affidavit dahil sa umano'y pangakong tulong pinansyal at seguridad para sa kanilang mga pamilya.
Dagdag pa nila, dalawang buwan nilang pinag-isipan na bawiin ang kanilang mga pahayag at kusang-loob nilang ginawa ang mga bagong affidavit. Anila, nakatanggap din umano sila ng mga banta sa kanilang buhay at nahaharap sa iba't ibang kaso.



