Patay ang apat na indibidwal dahil sa pinagsamang epekto ng mga Bagyong Luis at Bagyong Maymay na pinalakas ng habagat.
Dalawa sa mga nasawi ay dahil sa landslide sa Benguet, habang ang dalawa ay nasawi dahil sa rockslide sa Rodriguez, Rizal.
Isa namang indibidwal ang nasugatan sa Benguet, at wala namang naiulat na nawawala.
Aabot na sa 132,956 na katao o 39,879 na pamilya ang naapektuhan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Zamboanga Peninsula, at Cordillera Administrative Region. Sa bilang na ito, 6,215 katao ang nananatili sa 61 evacuation centers.
Nakapagtala rin ng 14 na nasirang bahay, habang mahigit ₱3.59 na milyong halaga ng tulong ang naipamahagi sa mga apektadong komunidad.
📸: Office of Civil Defense



