MGA KABAONG, NAGKALAT SA METRO MANILA.
Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang magkahiwalay na insidente na may mga nakitang mga kabaong sa Quezon City, Caloocan City, at Makati City.
Sa Quezon City, isang kabaong na may mga larawan ng dalawang indibidwal ang iniwan umano ng tatlong taong sakay ng puting van sa Boy Scout Circle sa Timog Avenue.
Samantala, isang kabaong na may pulang tela at mga nakasulat na “Greedy!” at “Salot!” ang natagpuan naman sa Brgy. Bel-Air, Makati City.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang dalawang insidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | via Jim Tejano
📸: Brgy. South Triangle, Contributed Photos



