Kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga nakitang kabaong sa ilang bahagi ng Metro Manila na may mensaheng laban sa mga Chinese.
Ayon sa DFA, hindi kinukunsinti ng pamahalaan ang anumang banta o gawain na maaaring magdulot ng karahasan o panganib sa seguridad ng mga dayuhan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa mga awtoridad upang imbestigahan ang insidente at matukoy ang mga responsable.
📸: DFA



