Bumangga ang isang cargo truck sa isang bahay sa kahabaan ng SB Road, Quezon City Biyernes ng madaling araw, Agosto 7.
Bukod sa napinsala ang gate ng bahay, nawasak din ang harapang bahagi ng cargo truck dahil sa impact ng insidente.
Agad namang dinala sa ospital ang driver ng cargo truck habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. | via Joben Borilla
