Umabot sa mahigit P1 bilyon ang halaga ng flood control projects sa La Union at Pampanga na kinukuwestiyon kasunod ng malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Luis, Bagyong Maymay, at pinalakas na habagat.
Hinimok ng ilang grupo ang DPWH, COA, at iba pang ahensya na imbestigahan ang hindi bababa sa 19 flood control projects sa La Union na nagkakahalaga ng P773.77 milyon, kabilang ang mga proyektong nakuha ng St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp. na pagmamay-ari ng nakadetineng mag-asawang Discaya, at Silverwolves Construction Corp. na iniuugnay naman kina dating Rep. Eric at Edvic Yap.
Samantala, sinusuri rin ng Office of the Ombudsman ang dalawang flood control project sa Mexico, Pampanga na nagkakahalaga ng P359.37 milyon matapos ireklamo ang dating kongresista na si Aurelio Gonzales Jr., ang A.D. Gonzales Jr. Construction & Trading Co. Inc., at ilang opisyal ng DPWH Central Luzon dahil depekto daw at gumamit daw ng substandard na materyales sa mga proyekto.

