Dumating na sa bansa ngayong Martes, Hulyo 21, si U.S. Secretary of State Marco Rubio upang dumalo sa 59th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting at sa East Asia Summit.
Mainit na sinalubong si Rubio ni U.S. Ambassador to the Philippines Lee Lipton pagkalapag nito sa Maynila.
Bukod sa mga pagtitipon kasama ang mga lider ng ASEAN at mga bansa sa Indo-Pacific, nakatakda ring makipagkita si Rubio kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bukas para sa isang courtesy call upang talakayin ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.



